National News
Sen. Go, nanawagan kay Alice Guo na magsabi ng totoo
Muling humarap sa Senate hearing nitong Lunes, Setyembre 9, 2024 si Alice Guo matapos siyang madakip sa Indonesia kamakailan.
Sa pagdinig, ipinaabot ni Sen. Bong Go kay Guo na nadadamay si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga conspiracy theory na dulot umano ng pagiging “evasive” o pag-iwas ng dating mayora sa mga tanong ng mga senador.
Dahil dito, hinikayat ng senador si Guo na magsabi na ng totoo hinggil sa isyu.
Nilinaw naman ng senador na hindi niya dinedepensahan ang dating pangulo at pawang katotohan lamang ang kanyang sinasabi.
Kasabay nito ay naikwento na rin ng senador na noong mayor pa ng Davao City si FPRRD, mahigpit na ito hinggil sa anumang iligal.
Sa katunayan, sinuman ang mag-negosyo ng iligal sa naturang lungsod ay ibabaon umano ng buhay ng dating pangulo.
Samantala, para kay Sen. Go, noon pa man ay kontra na siya sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) dahil sa aniya’y pag-compromise nito sa peace and order ng bansa.