Connect with us

Sen. Go, nanawagan sa BFP na palakasin ang kampanya kontra sunog

Sen. Go, nanawagan sa BFP na palakasin ang kampanya kontra sunog

National News

Sen. Go, nanawagan sa BFP na palakasin ang kampanya kontra sunog

Ilang araw bago ang buwan ng Marso ay nanawagan si Senador Bong Go sa Bureau of Fire Protection (BFP) na palakasin ang kampanya kontra sa sunog.

Sa isang interview sa lungsod ng Maynila ay ipinunto ni Go na mahalaga ang information dissemination upang may alam ang ating mga kababayan at makaiwas sa insidente ng sunog.

Sa buwan ng Marso na umpisa ng panahon ng tag-init ay madalas naitatala ang pinakamaraming insidente ng sunog.

“Nakikiusap po ako sa mga kababayan natin na mag-ingat. Bantayan natin ang mga bata, wag po nating iwan jan. At yung iligal na pag tap ng kuryente delikado po ‘yun. Sumunod tayo sa paalala,” ayon kay Sen. Bong Go.

Araw ng Martes ay pinangunahan ni Sen. Go ang pamamahagi ng tulong, partikular na ang mga nasunugan sa Manila Port Area, Baseco, at Addition Hills sa Mandaluyong.

Kabilang sa pinamigay ni Go ay mga pagkain at mga mahahalagang kagamitan.

Kasama rin ni Go sa nasabing event ang mga tauhan ng National Housing Authority (NHA) na namahagi ng cash assistance.

More in National News

Latest News

To Top