Connect with us

Sen. Go, personal na maghahatid ng tulong sa mga nasunugan sa Valenzuela City

Sen. Go, personal na maghahatid ng tulong sa mga nasunugan sa Valenzuela City

National News

Sen. Go, personal na maghahatid ng tulong sa mga nasunugan sa Valenzuela City

Personal na maghahatid ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Barangay Malinta, Valenzuela City ngayong araw, Abril 19 si Sen.  Bong Go.

Nasa 1,300 pamilya sa Malinta Elementary School ang hahatiran ng tulong pinansyal ng senador.

Maliban dito, makatatanggap rin sila ng libreng bisikleta, sapatos, grocery items at iba pa.

Tutungo rin ang senador sa iba pang evacuation centers tulad ng Malinta Junior High School at Malinta Senior High School sa kaparehong lungsod.

Katuwang ng butihing senador ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng DSWD, DTI, DA, at DOH upang maghatid din ng tulong na isa sa mga mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top