Connect with us

Sen. Imee Marcos, nagbabala ng food shortage 

Sen. Imee Marcos, nagbabala ng food shortage 

National News

Sen. Imee Marcos, nagbabala ng food shortage 

Inamin ni Sen. Imee Marcos na may nagbabadyang food shortage kung kaya’t mismong ang Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, jr. ang umupo bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

“Ito ‘yung kawani na talagang magiging kritikal sa mga susunod na buwan dahil alam naman natin na magkukulang ang pagkain hindi lamang sa pilipinas kundi sa boung mundo, hindi lang magkukulang kung meron man ay napakataas naman ng presyo,” ani Sen. Imee.

Ayon kay Senator Imee, nais ng pangulo na matugunan ang banta sa kakulangan ng pagkain.

Kahit walang food shortage ay sinabi ni Sen. Marcos na maari naman na tumaas ang presyo sa merkado ng mga pangunahing bilihin tulad ng agricultural products.

Kabilang din aniya sa mga dahilan kung bakit umupo ang pangulo bilang kalihim ng Department of Agriculture ay dahil sa talamak na katiwalian o agricultural smuggling na sangkot ang ilang opisyal ng kagawaran.

Tiwala naman si Imee na kayang kaya na masawata ang smuggling sa agricultural products dahil pangulo na mismo ang umupong kalihim ng kagawaran.

 

 

More in National News

Latest News

To Top