Connect with us

Sen. Imee Marcos, ‘no show’ sa senatorial proclamation ng admin

Sen. Imee Marcos, 'no show' sa senatorial proclamation ng admin

National News

Sen. Imee Marcos, ‘no show’ sa senatorial proclamation ng admin

Nitong Huwebes, Setyembre 26, 2024 sa Pasay City ay pormal nang ipinakilala sa publiko ang senatorial line-up ng ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’ ng administrasyon.

Ang event ay isinagawa ilang araw bago ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.

Ngunit hindi na dumalo sa naturang proklamasyon ng senatorial slate si Sen. Imee Marcos.

Bukod nga kay Sen. Imee ay kabilang din sa inanunsyo na kakandidato sa ilalim ng ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’ sina Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Makati City Mayor Abby Binay, Sen. Pia Cayetano, Sen. Lito Lapid, Sen. Bong Revilla, Sen. Tol Tolentino, Rep. Erwin Tulfo, at Rep. Camille Villar.

Maging ang mga dating senador gaya nina Ping Lacson, Manny Pacquiao,  Tito Sotto III.

Ang nasabing alyansa ay binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas, Lakas-Christian Muslim Democrats, Nationalist People’s Coalition, Nacionalista Party, at National Unity Party.

More in National News

Latest News

To Top