Connect with us

Sen. Imee, nilinaw ang political ad kasama si VP Sara

Sen. Imee, nilinaw ang political ad kasama si VP Sara

National News

Sen. Imee, nilinaw ang political ad kasama si VP Sara

Naglabas ng bagong political ad si Senadora Imee Marcos na tampok si Vice President Sara Duterte.

Sa isang press conference, inamin ni Marcos na ito’y isang biglaan at emosyonal na hakbang — sa gitna ng masalimuot na klima sa politika.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, parehong hindi handa at abala sila nang dumating ang ideya ng pag-endorso.

Aniya, naging mabilis ang takbo ng lahat, pero ang tanong ng marami — bakit itim ang tema ng nasabing ad?

Giit ni Sen. Imee, “Bakit nga ba itim? Siya ang nagpumiglas na kinakailangang itim.”

“Nagluluksa ang bansa, maraming naghihirap, gutom na ang sikmura, gutom pa sa hustisya.”

“Ang itim ay simbolo na ipaglaban ang tama, itama ang mali.”

Dagdag pa ni Marcos, hindi plano ni VP Sara na mangampanya sa eleksyon — pero nagbago ang lahat matapos ang direkta umanong utos ng dating Pangulo Rodrigo Duterte, “Sabi niya ayaw na niyang mangampanya.”

“Pero pagbalik niya mula sa The Hague, inutusan ata sila ni Senador Robin Padilla at ni Presidente Duterte na mangampanya at tulungan ang mga kasangga.”

Mariing itinanggi ni Marcos na ito’y pabuya sa kanya matapos ang serye ng Senate hearings tungkol sa dating pangulo, “Hindi ko na naisip yun.”

“Simula’t sapul magkaibigan naman kami. Kilala ko siya, kilala niya ako.”

“Hindi ako bibiguin ni VP Sara at hindi ko rin siya bibiguin.”

Tila may patama rin si Marcos sa kasalukuyang administrasyon, “Hindi ko alam kung sino ang namamahala sa Palasyo.”

“Hindi ito ang turo ng aking ama. Nanghihinayang ako. Para sa akin, malaking trahedya ito.”

Bagaman hindi direktang pinangalanan ang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tila lumalalim ang puwang sa pagitan ng 2 kampo.

Sa gitna ng sigalot, umaapela si Imee na sana’y tutukan na ang tunay na problema ng bansa — gaya ng kagutuman, kakulangan ng trabaho, at mataas na presyo ng bilihin.

More in National News

Latest News

To Top