Connect with us

Sen. Jinggoy Estrada, may babala sa isinusulong na rightsizing sa pamahalaan

Sen. Jinggoy Estrada, may babala sa isinusulong na rightsizing sa pamahalaan

National News

Sen. Jinggoy Estrada, may babala sa isinusulong na rightsizing sa pamahalaan

Bagama’t aminado na makakatipid nga ang pamahalaan ay nababahala si Senador Jinggoy Estrada dahil mahigit sa 2 milyong kawani sa pamahalaan ang posibleng mawawalan ng trabaho dahil dito.

“You know my campaign promise during the campaign period was to provide jobs for our people and if you remove jobs to approximately two million people who will be affected because of this rightsizing, this has to be deliberated upon extensively. I really have a lot of concern,” saad ng senador.

Ipinunto pa ng senador ang naging payo ng kanya ng ama na si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada na huwag hayaan na mawalan ng trabaho ang mga kawani ng gobyerno na kanyang nasasakupan.

Naniniwala ang dating presidente na maaring makagawa ng masama ang isang tao kapag nawalan ng trabaho para lamang makaraos sa araw-araw.

“Sa’n mapupunta ‘yung dalawang milyong Pilipinong maaapektuhan? Sabi nga ng tatay ko, ‘a hungry stomach knows no law.’ Kapag wala nang makain ‘yan, magiging kriminal na ‘yang mga ‘yan,” dagdag pa ni Estrada.

Subalit iginiit ni Jinggoy na kung ililipat lamang sa ilang ahensya ang nga tatamaan ng rightsizing at hindi na tatanggap ng mga bagong kawani para hindi mawalan ng trabaho ang mga kasalukuyang empleyado ng gobyerno, maaring magbago pa ang kanyang isip na suportahan ito.

Iginiit din ni Estrada sa pamahalaan na huwag agad na basta basta na tanggalin ang mga empleyado ng gobyerno na tatamaan ng rightsizing hangga’t walang malilipatan na departamento.

Sa kabila nito, aminado naman si Jinggoy na magkakaroon ng skills mismatch sa paglipat ng mga kawani sa rightsizing dahil iba ang eksperto na trabaho na kinasanayan ng isang kawani sa isang ahensya ng gobyerno.

“Yes, I think so. For example, ako, redundant ‘yung aking trabaho sa isang department, tatanggalin ako. Ililipat ako sa ibang department na hindi ko naman expertise, hindi naman ako skilled doon sa isang department. So, balewala,” paglilinaw pa ng senador.

Suportado ng karamihan sa mga senador ang rightsizing sa mga opisina ng pamahalaan.

Naniniwala si Senador Jinggoy na ang mga magkakapareho na function ay posibleng dahil sa political accommodation.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top