Connect with us

Sen. Jinggoy Estrada, walang ibang layunin kundi ang siraan lang ang resource person – ex-PDEA agent

Sen. Jinggoy Estrada, walang ibang layunin kundi ang siraan lang ang resource person – ex-PDEA agent

National News

Sen. Jinggoy Estrada, walang ibang layunin kundi ang siraan lang ang resource person – ex-PDEA agent

Inihayag ngayon ng dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent na si Jonathan Morales sa SMNI News na pawang paninira lang sa kanya ang ginawa ni Sen. Jinggoy Estrada sa imbestigasyon ng PDEA leaks at hindi talaga nito pakay na pag-usapan ang tunay na isyu.

“Ako sasabihin ko na hindi siya marunong mag-imbestiga sayang ang sweldo ng taong bayan sa kanya,” ayon kay former PDEA Agent, Jonathan Morales.

Ito ang mga katagang binitawan ni former PDEA agent si Jonathan Morales sa eksklusibong panayam ng SMNI News matapos ang ginawang pagtatanong sa kanya ni Sen. Jinggoy Estrada sa ginawang public hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs nitong nakaraang araw.

Sa nasabing hearing kasi paulit-ulit na binabanggit ni Senador Estrada ang background ni Morales kaugnay sa serbisyo nito sa Pambansang Pulisya at sa kung papaano ito nakapasok sa PDEA.

Ayon kay Morales wala aniyang nakuhang magandang impormasyon ang senador kaugnay sa tunay na isyu kung bakit lumabas sa publiko ang mga dokumento ng PDEA na kung saan nakasulat sa report ang pangalan ni Pangulong Bongbong Marcos na sumisinghot ng white powdery substance.

“Hindi ganun ang pag-iimbestiga, ako ba kapag nag-iimbestiga ako ba pagagalitan ko ba ang iniimbistigahan ko? wala akong makukuhang sustansya kahit mamamatay tao pa ‘yan kahit magnanakaw pa ‘yan kahit pa sabihin mo na rapist ‘yan pano ko mae-extract ang information kung aanuhin ko ‘yan wala akong makukuha diba,” ani Morales.

Ayon kay Morales nagtungo siya sa Senado bilang resource person at hindi isang suspect sa isang krimen.

“Resource person ako eh unang-una gusto ko ngang linawin akusado ba ako? suspect ba ako? diba? nandun ako as resource person tungkol sa PDEA leaks bakit ako pinatawag dahil jan sa mga dokumentong lumabas,” aniya.

Dagdag pa ng dating PDEA agent na kung balak lang aniya nitong siraan ang pangulo ng bansa dapat ay noon niya pa ito ginawa noong tumatakbo palang ito sa pagkapangulo noong 2022 elections.

“Kung ako gusto ko lamang ay manira o ano paman di sana 2016 nagsalita na ako kung kani-kanino o doon sa mga kalaban niya siba nung tao na nanjan sa report na ‘yan 2022 ning tumatakbo siyang presidente sana nilapitan ko na ang nga kalaban niya sa politika bakit hindi ko ginawa dahil hindi ako ganun at lahat ng information naiwan ‘dun sa investigation service ng PDEA na pilit nilang itinatanggi na meron,” saad pa ni Morales.

Nilininaw din ni Morales na hindi pa siya nakukulong kaugnay sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.

Paliwanag pa nito bilang isang alagad ng batas normal lang ang magkaroon ng kaso dahil mayroon talaga silang nasasagasaan dahil sa pagpapatupad ng batas.

“Wala po akong conviction ang totoo nyan bilang alagad ng batas normal na po sa amin ang magkaroon ng kaso kung hindi kamatayan kaso ‘yun po eh ‘yun lang po ang pagpipilian mo talaga eh kasi magpapatupad ka ng batas at sa pagpapatupad ng batas normal kang na may magagalit sayo,” giit nito.

Tungkol naman sa sinabi ni Sen. Jinggoy na hindi siya mapagkakatiwalaan ay ito ang naging sagot ng dating PDEA agent.

“Dapat pagka ikaw ay isang politiko dapat ito talaga ang dapat malinis ‘yung sinasabi ni Sen. Jinggoy Estrada na ang isang katulad ko ay walang karapatan dahil hindi dapat pagkatiwalaan ang sabi niya ay napakaraming kaso ang tao na to sari-sari ang kaso na hindi naman niya sinasabi na ako ay nananalo sa kaso ay ako ay naa-acquite eh ang tanong nga sino sa aming dalawa ang dapat pagkatiwalaan ‘yun bang may mga kaso? o ‘yung na convict na ng hukuman?” aniya.

Bumuwelta din si Morales patungkol sa sinabi ni Sen. Jinggoy na pawang “hearsay” lang ang mga dinalang isyu nito sa Senado.

Ayon kay Morales, magkaiba ang utos sa hearsay lang, aniya kaya hindi natuloy ang operasyon sa paghuli kay Bongbong Marcos noon ‘yun ay dahil sinunod niya lang ang utos sa kanya ng nakakataas sa kanya ‘yun ay instruction at hindi hearsay.

“Ako nung kausap ako ng aking opisyal at ‘yun ang sinabi sabi nga niya eh naniwala ka naman eh kung gusto niyang paniwalaan ko ‘yung janitor? Eh ang kausap ko ang number 3-man ng PDEA asst. sec deputy director general for operation hindi ko paniniwalaan? hindi po ‘yun hearsay totoo po ‘yun kausap ko po mismo ‘yung sec. deputy director general for operation at ‘yung sinasabi na ‘yun ay sinusunod namin kasi pinagkatiwalaan po ng presidente yan eh inapoint ng presidente,” pahayag pa ni Morales.

Sabi pa ni Morales ang dapat aniyang ginawa ni Sen. Jinggoy ay ipalabas kung gaano ka lehitimo ang dokemento kung tunay ba ito o hindi.

Dahil ang naturang dokumento aniya ay pilit na itinatanggai ng mismong PDEA dahil ang kasalukuyang namumuno sa nasabing ahensiya ay itinalaga mismo ng pangulo na siya ring subject sa imbestigasyon.

“Ang ebidensiya dapat lang i-authenticate kung sino ‘yung sumulat o ‘yung pumirma ‘yun pong inaano dito is ‘yung mga authority to operate at tsaka ‘yung pre-ops ang mago-authenticate ‘yan ako kasi ako ang ginawa eh sinabi ko nga ako ‘yung nag imbwatiga ako ‘yung ano sindeny lamang nila alam mo bakit? Kasi nga ang nag -point kay General lazo ay yung nakaupong presidente ngayon ‘yun po ‘yun,” pahayag pa nito.

Dahil sa mga nangyare at ang estilo ng pagtatanong sa kanya sa Senado hindi maiwasan ni Morales na matakot.

“Kanyang opinyon po ‘yun siguro talagang ‘yun kung ang abot ng kanyang pagunawa bilang isang politiko sinasabing halal ng bayan eh pagkaganyan po ang abot ng kaisipan ng isang halal ng bayan eh nakakatakot,” aniya.

Sa kabuuan ng hearing sinabi ni Morales na paninira lang sa kanya ang tunay na pakay ni Sen. Jinggoy Estrada

“Una talagang napansin ko talaga na charcter assasination na yung ginawa niya at wala siya talagang inatupag kundi ang durugin, nang durugin, nang durugin, nang durugin yung pagkatao ko,” dagdag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top