Connect with us

Sen. Koko Pimentel, tanggap ang kasong isinampa laban sa kaniya

Sen. Koko Pimentel, tanggap ang kasong isinampa laban sa kaniya

COVID-19 UPDATES

Sen. Koko Pimentel, tanggap ang kasong isinampa laban sa kaniya

Maluwag na tinatanggap ni Senator Koko Pimentel ang kasong isinampa sa kaniya matapos ang nagawa nitong breach of quarantine protocol sa isang ospital sa Makati.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Pimentel, sinabi nitong ibinigay na niya ang kaso sa kaniyang mga kaibigang abogado.

Dahil aniya mas mainam na sila na muna ang humarap dahil sa kaniyang kondisyon ngayon.

Sa panahon kasi ngayon ani Pimentel ay nahihirapan itong makapag-isip ng maayos dahil sa sakit na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nakatakdang isagawa ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation laban kay Senador Koko Pimentel sa susunod na buwan.

Matatandaang sinamahan ng senador ang kanyang buntis na asawa sa Makati Medical Center (MDC) noong Marso 24 kahit na naka-home quarantine ito at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top