National News
Sen. Lacson, hindi pabor sa pabuya sa makadidiskubre ng bakuna vs. COVID-19
Taliwas ang nais mangyari ni Senator Panfilo Lacson kaugnay sa pagbibigay ng pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kung sinomang makakadiskubre ng bakuna kontra .
Aniya, mas mainam kung ilalaan na lamang ng pamahalaan ang pera sa pag-invest sa research and development.
Kahit na aniya nasa 0.4% lamang ito ng General Appropriations Act ay malaki na ang magagawa nito sa pag-aaral.
Punto pa ni Lacson na dahilan ng mabagal na pag-unlad ng bansa pagdating sa Siyensya ay ang hindi pagbibigay tuon ng gobyerno sa research and development.
Sa naging public address ng Pangulo ngayong umaga, Abril 24, sinabi nitong itinataas na niya sa P50 milyong ang pabuya sa kung sinomang makadidiskubre ng bakuna kontra COVID-19.
