Connect with us

Sen. Lapid, handang magbitiw sa puwesto kung mapatunayang protector ng POGO

Sen. Lapid, handang magbitiw sa puwesto kung mapatunayang protector ng POGO

National News

Sen. Lapid, handang magbitiw sa puwesto kung mapatunayang protector ng POGO

Handang magbitiw sa puwesto si Senador Lito Lapid kung mapapatunayang sangkot o’ protektor ito sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pampanga.

Ito ang tahasang sinabi ni Lapid sa pagdinig ng Senado kaugnay sa isyu ng nabulgar na iligal na aktibidad at human trafficking sa Bamban, Tarlac at Porac sa Pampanga na ni-raid ng Philippine National Police (PNP).

Sa pagtatanong ni Lapid, nilinaw ni Porac Mayor Jing Capil na  hindi pag-aari ng Senador ang 10 ektaryang lupain na tinayuan ng iligal na POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Sa kabila ng akusasyon ng isang di pinangalang vlogger, nilinaw ng Senador wala siyang kinalaman sa operasyon ng POGO sa kanilang lugar.

Kaugnay nito hiniling ni Lapid kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na beripikahin ang impormasyon na sangkot sa ibat-ibang kaso at wanted sa batas ang vlogger na nag-aakusa sa kanya.

More in National News

Latest News

To Top