COVID-19 UPDATES
Mga janitor at garbage collectors, ‘wag kalimutan – Sen. Marcos
Nananawagan ngayon si Senator Imee Marcos sa gobyerno na ibilang ang mga janitor at garbage collector sa benepisyong matatanggap ng mga frontliners.
Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na tulad ng mga medical workers ay malaki rin ang ambag ng mga ito lalo na sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga komunidad at pasilidad.
“Huwag nating kalimutan ang mga basurero, street sweepers at mga janitor na tumutulong para labanan ang COVID-19. Buwis-buhay din ang kanilang ginagawang trabaho.”
Malaki din aniya nagagawa ng mga empleyado sa mga condominium, super markets, immigration personnel, couriers at cargo handlers, at service drivers ng mga hospital staff.
Kasunod nito, naghain si Marcos ng Senate Bill 1414 o ang Pag-Asa: Alaga, Sustento, Angat Program na magbibigay ng karagdagang financial aid para sa ating mga frontliners.
Ito ay dahil malaki aniya ang posibilidad na ma-extend pa ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
