Connect with us

BREAKING| Sen. Migz Zubiri, nag-positibo sa COVID-19

Breaking News

BREAKING| Sen. Migz Zubiri, nag-positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Sen. Migz Zubiri.

Kinumpirma mismo ng senador ang pagpositibo nito sa COVID-19 sa kanyang official Facebook  account.

To my dear fellow Filipinos, my Kababayans. It is with sadness that i announce that I am positive for Covid 19. I had a…

Posted by Senator Migz Zubiri on Monday, 16 March 2020

Sabi pa nito, “To my dear fellow Filipinos, my Kababayans. It is with sadness that i announce that I am positive for Covid 19. I had a test taken last Friday while on self quarantine and this afternoon i received a call from Sec. Duque on my condition.”

Labis namang ikinalungkot ng senador nang malaman niya na nag-positibo siya sa nakamamatay na virus.

“My heart sank with what he had said but Im uplifted with the fact that i am asymptomatic and have no fever or cough nor am i weak  or have any headaches,” pahayag ni Zubiri.

Hindi rin nito batid kung sa papaanong paraan siya nahawaan ng virus.

“As one of those very early on in the Senate who espoused and advocated for stronger Government response on controlling Covid 19, i was very careful in my dealings with people at work in the Senate. I practiced social distancing as well as a no handshake policy but yet i got contaminated. How, i do not know,” pagbibigay diin pa ng mambabatas.

Dagdag pa nito, “This just goes to show how easily this virus is spread and therefore it is best for everyone to stay home and stay clean.”

Ipaagpapatuloy naman nito ang pag-isolate sa sarili na malayo sa pamilya sa loob ng 10 araw pa bago ito magpasuri ulit at umaasang mag-negatibo na siya sa virus.

Sa huli ay nagpaalala nalang ang senador sa publiko laban sa COVID-19.

“Sa aking mga Kababayans, makinig po tayo sa mga babala nang Gobyerno at wag na po kayo lumabas sa inyong mga tahanan. God bless us all.” pagtatapos ni Zubiri sa kanyang FB post.

More in Breaking News

Latest News

To Top