Connect with us

Sen. Padilla, iginiit na dapat prayoridad sa AFP reservist training ang pagsagip ng buhay

Sen. Padilla, iginiit na dapat prayoridad sa AFP reservist training ang pagsagip ng buhay

National News

Sen. Padilla, iginiit na dapat prayoridad sa AFP reservist training ang pagsagip ng buhay

Dapat pagsagip sa buhay ang maging prayoridad ng pagsasanay ng mga reservists ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang sinabi ni Senador Robin Padilla nitong Lunes, Abril 15, makaraang maging inspirational speaker sa Basic Citizen Military Course sa Senado ang actor na si Enrico Raphael Rocco Nacino.

Ayon kay Padilla, kailangan ang mga tulad ng Nurse Corps sa AFP tulad ni Nacino para makatugon agad sa mga kalamidad at hindi inaasahang gulo lalo na’t may sumisiklab na giyera sa ibang bahagi ng mundo.

Sa kanyang inspirational talk, sinabi ni Nacino na isang 2nd Lt. sa Nurse Corps ng Civil Military Affairs Brigade ng AFP Reserve Command, malaking bagay ang matulungan ang mga Pilipino.

Dagdag pa nito, nagsimula siyang magsanay sa BCMC noong 2016 bilang paghahanda sa kanyang teleseryeng Descendants of the Sun.

More in National News

Latest News

To Top