Connect with us

Sen. Padilla, isusulong ang ConCon para rebisahin ang 1987 Constitution

Sen. Padilla, isusulong ang ConCon para rebisahin ang 1987 Constitution

National News

Sen. Padilla, isusulong ang ConCon para rebisahin ang 1987 Constitution

Isang resolusyon na nananawagan ng constitutional convention (ConCon) ang inihain ni Senador Robin Padilla para amyendahan ang ilang probisyon ng 1987 Constitution upang mapawi ang pangamba na ito ay para sa kapakanan ng iilan lamang.

Sa Resolution of Both Houses 8, sinabi ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Sen. Padilla, ang Con-Con ay participatory and democratic na paraan upang rebisahin ang Saligang Batas.

Sa kanyang resolusyon, ang Senado at Kamara ay isusulong ang Con-Con sa pamamagitan ng 2/3 na boto kung saan magkahiwalay na boboto ang 2 kapulungan.

Nakasaad din dito na gagawa ng batas ang kongreso na magde-detalye sa ConCon.

Ayon kay Padilla, ang rebisyon ng Saligang Batas sa pamamagitan ng ConCon ay participatory dahil ang mga delegado ay ihahalal ng taongbayan.

More in National News

Latest News

To Top