National News
Sen. Padilla kay Hontiveros: Payagan ang virtual attendance ni Pastor ACQ
Umapela si Senador Robin Padilla sa isang komite sa Senado na payagan si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ummatend sa pagdinig online.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Risa Hontiveros na mas pipiliin niyang personal na ummatend ang butihing pastor sa imbestigasyon ng committee on women and children para sagutin ang mga paratang sa kanya.
Sa isang interview ay binanggit ni Robin na maging ang mga kasamahan nitong senador na sina Lito Lapid, JV Ejercito, at Nancy Binay ay bukas para sa isang virtual attendance.
“Kung mapapayagan sana. Sana magkaintindihan, kasi ang nag-uusap…ay ang komite ni Senator Risa at ang legal [team] ni [Quiboloy]. Silang dalawa ang nag-uusap e. Sana magkasundo sila na ‘yung… sinasabi nila virtual, online, ganon,” ayon kay Sen. Robinhood Padilla.
(“I hope the committee of Senator Risa Hontiveros and the legal team of Pastor Quiboloy would come into terms so the latter could attend the hearing virtually or through online teleconferencing.”)
Umaasa si Padilla na iiral ang mga patakaran sa pagdinig in-aid of legislation kahit virtual ang attendance kung kaya’t aniya ay dapat magkausap na ang 2 panig ni Hontiveros at pastor Apollo.
Pinuna rin ni Padilla ang sinabi ni Hontiveros na hindi puwedeng irason ang medical at security reasons sa pagdinig.
“Pag sinabing medical ‘di tatanggapin, pag security…’yung mga puwedeng sabihan ng magbibigay ng show cause…Parang sinabi mo na na hindi ito katanggap-tanggap. Parang nawawala due process. Sana pakinggan muna natin,” dagdag pa ni Sen. Padilla.
(“It’s like you’re outright rejecting the reasons that will be given by Pastor Quiboloy if you will not consider his possible medical and security concerns. It seems that due process is not being observed. I hope we hear his side first.”)
Ipinunto rin ni Padilla na pinag-iinitan si Pastor Apollo. Patunay aniya rito ay ang sabay-sabay na pagdinig mula sa Kamara, Senado, at sa Department of Justice (DOJ).
“Ako, naniniwala ako sa dalawang punto. Una, si pastor ay napag-iinitan… may hearing sa House, may hearing sa Senate, may hearing sa [Department of Justice], may hearing sa Amerikano, kapag hindi ka pa pinag-iinitan noon eh ewan ko na,” saad pa nito.
(“I believe that Pastor Quiboloy is being ganged up. There are simultaneous hearings in the House of Representatives, Senate, DOJ, and in America. If that’s not ganging up, I don’t know what it is.”)
Bukod sa pinagiinitan sinabi rin ng senador na totoong may banta sa seguridad ng KOJC leader, partikular na mula sa mga rebeldeng komunista.