Connect with us

Sen. Padilla, nadismaya sa ‘di pagdalo ng ehekutibo sa pagdinig sa Saligang Batas

Umpisa pa lang ng ikatlong pagdinig sa Senado kaugnay sa Charter Change kanina ay naglabas ng sama ng loob ni Sen. Robinhood "Robin" Padilla.

National News

Sen. Padilla, nadismaya sa ‘di pagdalo ng ehekutibo sa pagdinig sa Saligang Batas

Umpisa pa lang ng ikatlong pagdinig sa Senado kaugnay sa Charter Change kanina ay naglabas ng sama ng loob ni Senador Robinhood “Robin” Padilla.

Ito ay matapos umabsent sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang inaasahang resource person, ang kalihim ng Department of Energy.

Bukod sa secretary ng DOE ay nagpadala lamang ng representative si Finance Secretary Benjamin Diokno at Neda Secretary Arsenio Balisacan.

Bagama’t nanawagan muli si Padilla para dumalo ang mga opisyal sa pagdinig, iginiit niya na hindi mangyayari ang ganitong kakulangan ng koordinasyon ng Ehekutibo at Lehislatura kung lumipat sa Parliamentary system ang Pilipinas.

Tinatalakay sa pagdinig ang sensitibong issue ng Charter Change.

“Hindi ko maintindihan kung bakit hirap na hirap ang Senado na mag-imbita ng ibang secretary… Hindi ko po alam sapagka’t itong Constitution natin ngayon sa 1987, ang sinasabi nito, merong balanseng kapangyarihan ang legislative at ang executive. Ibig sabihin pantay tayo ng kapangyarihan. Kapag inimbita sana ang taga-executive sana po ay mapagbibigyan nyo kami sapagka’t dito di kami mga marites o parites… Itong bagay na ito ay hindi isang bagay na isinasantabi sapagka’t Saligang Batas po ito,” ani Padilla sa pagsimula ng ikatlong pagdinig ng kanyang komite nitong Biyernes.

Ang sentimyento ni padilla ay suportado naman nina Senador Ronald bato Dela Rosa

“We are co-equal branch of government and we should respect each other. Pag nag imbita tayo they should also attend to our invitation, pwede isnabion ang ating imbitasyon,” ani Sen. Bato.

Kaugnay nito ay muli naman iginiit ni Senador Koko Pimentel na kailangan siputin ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang pagdinig ng Senado kaugnay sa Sugar Order no. 4.

Matatandaan na ipinatawag ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee sa ikalawang pagdinig ng kontrobersyal na sugar importation si Rodriguez ngunit bigo itong dumalo dahil sa may kasabay na cabinet meeting sa Malakanyang.

Bagamat sinipot ni Rodriguez ang unang pagdinig ay umalis naman ito agad matapos basahin ang kanyang statement.

“Mayroon din kasi tayong mga proceso na galing sa konsepto ng korte. Sa korte kasi hindi ka pwede mag testify sabay takbo o sabay-alis. kailangan matanong ka sa testimony mo. ‘Yun lang naman ang hinihingi namin eh, “ani Sen. Koko Pimentel.

Ipinunto ni Senador Pimentel na sakaling hindi makaya ang physical na pag-attend sa pagdinig ay pwede naman itong gawin online.

More in National News

Latest News

To Top