Connect with us

Sen. Padilla, nanawagan ng hustisya para sa Tribong Teduray

Sen. Padilla, nanawagan ng hustisya para sa Tribong Teduray

National News

Sen. Padilla, nanawagan ng hustisya para sa Tribong Teduray

Emosyonal na hinabol ni Sen. Robin” C. Padilla ang hustisya para sa mga miyembro ng Tribong Teduray na namatay at nasugatan dahil sa hagupit ng Bagyong “Paeng” noong Oktubre, matapos silang sapilitang inilipat sa paanan ng Bundok Minandar sa Maguindanao del Norte noong 2020.

Sa kanyang privilege speech nitong Nob. 23, iginiit ni Padilla na dapat imbestigahan ang trahedyang ito.

Intensyon aniya ng sapilitang paglipat ay dahil sa nais gawing resort ang kanilang lupang kinaroroonan.

“Nakapagtataka po dahil daan-daan taon na simula ng manirahan ang mga katutubong Teduray sa nasabing lupain. Doon po sa baybayin na ‘yun ay nakalatag ang kapaligiran ng kanilang kultura; dito rin po nakalagak ang libingan ng kanilang mga ninuno. Sa ngayon, wala na sa kanilang pag-aari ang ninunong lupa,” ani Padilla.

Kaugnay nito ay inihain ni Padilla ang Senate Resolution No. 280 si para imbestigahan ang trahedya kung saan 24 na katutubong teduray ang nasawi habang 30 ang naulat na nasugatan dahil sa baha sa Minandar.

Ayon sa ulat, Disyembre 2020 nang magpetisyon ang 127 na pamilyang Teduray sa National Commission of Indigenous Peoples (NCIP) ukol sa kanilang sapilitang paglipat ng tirahan mula sa isang baybayin patungo sa sitio tabunon sa paanan ng Minandar.

“Wala pong tugon o aksyon ang natanggap na NCIP ukol sa petisyon. Naghihintay rin tayo ng komento mula sa Ministry of Indigenous People’s Affairs (MIPA) ng BARMM dahil sila ang dapat na nakatutok sa hinaing ng mga katutubo batay sa kanilang mandato,” dagdag pa nito.

Ipinunto rin ni Padilla na lumalabas sa report na ang mga Teduray ay pinilit ng isang makapangyarihang inidibidwal na mag relocate sa ibang lugar mula sa kanilang ancestral domain.

“They were “forced to relocate because a powerful person wanted to use the place for a resort. Paano po nangyari ito? Ano po ba ang dapat manaig?  Ang kapangyarihan ng batas o ang kapangyarihan ng tao,” saad pa ni Padilla.

Dagdag ng mambabatas, kanyang ikinalulungkot na sa kabila na higit 25 taon nang nakararaan ng maipasa sa Indigenous Peoples Rights Act upang kilalanin, protektahan, at itaguyod ang karapatan ng mga katutubo, ay patuloy pa rin ang ulat ng pananamantala at pagyurak sa karapatan ng mga katutubong Pilipino.

Si Padilla na chairman ng Cultural Communities on Muslim Affairs ay ipinangako na didinggin ang nasabing isyu sa lalong madaling panahon.

More in National News

Latest News

To Top