National News
Sen. Padilla sa panggigipit kay Pastor Quiboloy: Dala ng politika
Politika ang dahilan kung bakit nakararanas ng matinding panggigipit si Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ.
ito ang sagot ni Senador Robin Padilla nang tinanong kung bahagi ba ng political oppression ang iba’t ibang issue at kaso na kinakaharap ng butihing pastor.
Bukod kay Pastor Apollo ay pinatawan naman ng National Telecommunications Commission (NTC) ng indefinite suspension ang Sonshine Media Network International (SMNI) kung saan madalas na lumalabas ang kanyang mga programa.
“‘Yung mga ganitong bagay di natin maiiwasan na magkaroon ng kulay politika. Alam natin ang naganap noong panahon ng admin ni PRRD at sa admin ngayon. Siyempre di tayo mga bulag. Alam natin yan, No. 1 supporter ni PRRD si PACQ,” ayon kay Sen. Robin Padilla.
Bukod sa Regional Trial Court (RTC) ay pinasisipot rin sa pagdinig ni Risa Hontiveros sa Senado si Pastor Apollo batay lamang sa mga walang ebidenysang akusasyon.
Kahit ang nais ni Sen. Padilla na imbestigahan ang di makatarungang indefinite suspension sa SMNi ay di pa rin natutuloy-tuloy sa kabila ng matagal na niya itong hiniling sa liderato ng Senado.
“‘Yung kaso ni Pastor nagdomino na. 1 program lang sinasabing nagkaroon ng pagmamalabis pero buong istasyon na (ang sinuspinde). Napakaraming issue na puwede nating pag-usapan sa hearing pero di pa scheduled ang hearing,” dagdag pa ng senador.
Paalala naman ni Senador Robin na hindi dapat pinangingialaman ng politika ang relihiyon.
Bukod sa gagastos ng pera dito ang gobyerno na puwede naman aniyang pag-usapan ng tahimik ay marami din ang masasaktan dahil sa isang lider ng malaking relihiyon ang inuusig.
