Connect with us

Sen. Padilla, tiniyak na hindi titigil sa pagsulong sa AFP modernization

Sen. Padilla, tiniyak na hindi titigil sa pagsulong sa AFP modernization

National News

Sen. Padilla, tiniyak na hindi titigil sa pagsulong sa AFP modernization

Magiging maingay kami sa pagsulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo na ng Philippine Navy para sa pagtatanggol ng ating teritoryo.

Ito ang pangako ni Sen. Robin Padilla matapos bisitahin sa BRP Tarlac sa Subic ang mga empleyado ng Senado na lumalahok sa Basic Citizen Military Course (BCMC) noong Lunes ng hapon.

“Ang ibig sabihin nito, may kakampi kayo sa Senado na patuloy na palalakasin natin ang modernization. ‘Yan ang pinapangako namin sa inyo, hindi kami magiging bulag, hindi kami magiging bingi sa pangangailangan ng sundalo,” ayon kay Sen. Robinhood “Robin” Padilla.

Dagdag ni Padilla, tiyak na may susuporta na mga reservist mula sa Senado, sa oras na makumpleto nila ang BCMC.

“Asahan po ninyo na itong inyong mga reservist pagbalik niyan sa Senado meron po kayong base ng Philippine Navy doon, asahan ninyo magiging maingay kami pagdating sa modernization ng Navy,” saad pa nito.

Ginunita rin ni Padilla ang karanasan niya nang kasama niya ang Navy at nakipaghabulan sila sa China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS) noong 2021.

Doon niya nakita na ang matapang na pagharap ng mga Pilipino sa malaki at armadong barko ng CCG.

Rubber boat lang ang sasakyan ng mga Pilipino na tumirik pa ang makina.

Ani Padilla, nang tanungin sila ng taga-CCG kung bakit sila nandoon ay matapang pa rin silang sinagot ng mga Pinoy na “amin ito.”

“Anong lesson sa nangyari sa atin? Huwag tayo magpapa-bully. Kahit na sila ang pinakamalaki, sila ang sinasabi nating pinakamayaman, ang asset natin ang kabayanihan ng ating sundalo. Maaasahan natin at ‘yan ang nakita ko,” pahayag pa ni Sen. Padilla.

More in National News

Latest News

To Top