Connect with us

Sen. Pimentel, iginiit muli na dapat umpisahan na ang impeachment trial kay VP Sara

Sen. Pimentel, iginiit muli na dapat umpisahan na ang impeachment trial kay VP Sara

National News

Sen. Pimentel, iginiit muli na dapat umpisahan na ang impeachment trial kay VP Sara

Muling iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat umpisahan na ng senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. 

Sa isang kopya ng liham para kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, binigyang diin ni Pimentel na alinsunod sa Article XI, Section 3, paragraph 4 ng 1987 Constitution ang impeachment complaint na tinanggap ng senado ay kailangan aksyunan na agad.  

Paliwanag ni Pimentel na sa nasabing talata ay nakasaad na “trial by the Senate shall FORTHWITH proceed” na ang simpleng kahulugan aniya sa salitang Pilipino ay dapat agad na itong umpisahan. 

Dahil dito ay naniniwala si Senador Koko na kabilang sa pangunahing tungkulin ng senado na dapat bigyan ng agarang aksyon ang impeachment complaint. 

Matatandaan na ang impeachment complaint ay tinanggap ng senado noong Pebrero , 2025 ngunit makailang ulit nang sinabi ni SP Escudero at iba pang mga senador na sa Hulyo pa ito uumpisahan.

More in National News

Latest News

To Top