Connect with us

Sen. Revilla nanawagan sa gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW mula sa giyera sa Israel

Sen. Revilla nanawagan sa gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW mula sa giyera sa Israel

National News

Sen. Revilla nanawagan sa gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW mula sa giyera sa Israel

Hinimok ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang pamahalaan na gawin ang lahat ng makakaya upang masiguro ang kaligtasan ng Pinoy sa Israel at Gaza, at tiyaking wala kahit isa ang maiiwan sa gitna ng kaguluhan.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 2 Pinoy ang nasawi dahil sa hidwaang nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.

Hindi pa matiyak kung ang 2 nasawi ay kabilang sa 6 na napaulat na Pinoy na nawawala at pinaghahanap na ng pamahalaan.

2 araw na ang nakararaan nang atasan ng DFA ang mga Pinoy na nasa gitna ng bakbakan na lumagay sa ligtas na lugar, ngunit tiniyak ni Revilla na kumikilos na ang administrasyong Marcos para sa paglikas sa iba pa nating kababayan.

Kaugnay nito ay nagpasalamat si Revilla sa mga tauhan ng DFA, Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensiya ng pamahalaan dahil sa kanilang serbisyo sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa mga panahong tulad nito.

More in National News

Latest News

To Top