Connect with us

Sen. Revilla, pinaghahanda ang DPWH at MMDA sa panahaon ng La Niña

Sen. Revilla, pinaghahanda ang DPWH at MMDA sa panahaon ng La Niña

National News

Sen. Revilla, pinaghahanda ang DPWH at MMDA sa panahaon ng La Niña

“Tiyaking handa ang infra sa panahon ng La Niña.”

Ito ang panawagan ni Senate Committee on Public Works Chair Senator Ramon Bong Revilla, Jr.  sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak ang kaligtasan ng bansa sa panahon ng La Niña.

Ani Revilla, “ngayon ang pinakamagandang panahon para siguruhin na malinis ang lahat ng mga daluyang tubig, at walang bara ang mga drainage.”

Noong nakaraang Marso 2024, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang El Niño sa buong tropical Pacific Ocean ay nakitaan na ng paghina at inaasahang aabot na lamang ang pag-iral nito hanggang sa buwan ng Mayo.

Sa kabilang banda ay mayroon naman umanong 55% tsansa ang La Niña na ma-develop simula Hunyo 2024.

More in National News

Latest News

To Top