Connect with us

Sen. Revilla, pinaghahanda ang DPWH, DSWD at iba pang ahensiya sa super Typhoon Betty

Sen. Revilla, pinaghahanda ang DPWH, DSWD at iba pang ahensiya sa super Typhoon Betty

National News

Sen. Revilla, pinaghahanda ang DPWH, DSWD at iba pang ahensiya sa super Typhoon Betty

Inalerto ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. araw ng Martes, ika-23 ng Mayo ang publiko na maghanda sa posibleng pananalasa ng super Typhoon Betty (International name: Mawar) na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend.

Pinaghahanda rin ni Revilla ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan partikular ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang hindi na mabigla sakaling lumala ang sitwasyon.

Si Revilla na siyang Chairman ng Senate Committee on Public Works ay nagpahayag na kailangan umanong maging proactive sa halip na maging responsive dahil hindi umano kakayaning may mawala kahit na isang buhay dahil sa kawalan lamang ng paghahanda sa bagyong ito.

Binigyang diin ni Revilla na dapat ay tiyakin ang integridad ng mga pampublikong imprastraktura at siguruhin na bawat tulay, daan, gusali, at iba pa ay nasa maayos na lagay at walang mapahamak kahit isa.

Samantala, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang namataang papalapit na tropical cyclone ay posibleng maging isang super typhoon na nasa 2,330 kilometro ang layo mula sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ipinaalala pa ni Revilla na ilang ulit na umanong pinagdaanan ang ganitong sitwasyon, kasama ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, NDRRMC at Office of Civil Defense (OCD), lalung-lalo na ang mga local government units (LGUs) na silang unang reresponde sa ating mga kababayan kaya dapat umanong magtulungan at maging mapagmatyag.

More in National News

Latest News

To Top