Connect with us

Sen. Robin, nais siyasatin ang papel ng media sa panahon ng gusot

Sen. Robin, nais siyasatin ang papel ng media sa panahon ng gusot

National News

Sen. Robin, nais siyasatin ang papel ng media sa panahon ng gusot

Nais ni Sen. Robin Padilla na siyasatin ang papel ng media sa panahon ng gusot tulad ng tensyon sa South China Sea para magampanan nito ang tungkulin nitong panatilihin ang malakas na demokrasya.

Ihinain ni Padilla ang Senate Resolution 999, na magsasagawa ng investigation aid of legislation tungkol dito sa pamamagitan ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan.

Ani Padilla sa kanyang resolusyon na idiniin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng media lalo na ng broadcasting na alagaan ang pampublikong talakayan, katotohanan at kredibilidad, at ang “rule of law.”

Dagdag ng mambabatas, maaaring maapektuhan ang Pilipinas hindi lang sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS), kundi pati sa labanan ng Russia at Ukraine, at ang tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Bukod sa banta sa ASEAN region ng WPS issue kung saan nalalagay ang Pilipinas sa “potential crisis situation,” iginiit ni Padilla na ang labanan ng Russia at Ukraine ay maaaring magkaroon ng epekto sa Pilipinas, kabilang ang inflation, fuel shortage at food insecurity.

More in National News

Latest News

To Top