National News
Sen. Robin Padilla, hindi kumbinsido sa paraan ng pagtakas ni Michael Catarroja
Hindi kumbisido si Sen. Robinhood Padilla sa kwento ng persons deprived of liberty (PDL) na si Michael Catarroja kung paano ito tumakas mula sa Bilibid.
Sa panayam ng SMNI News sa senador, sinabi nito na makikita naman ang damit ni Catarroja kung totoong nagtago ito sa ilalim ng garbage truck.
Naikwento pa ni Padilla na sa 3 at kalahating taon na pananatili niya noon sa Bilibid, wala pa syang narinig na isang PDL na nagtangkang tumakas at nabuhay.
Dahil dito, sinabi ng senador, nagmimistulang nasa pelikula si Catarroja.
Sa naging pagdinig ng Senado, maging si Sen. Francis Tolentino ay sinabing hindi makatotohanan ang kwento ng pagtakas ni Catarroja.
Una namang sinabi ni Catarroja na wala siyang kasabwat sa naging pagtakas nito sa Bilibid.
Samantala, may iminungkahi si Sen. Padilla hinggil sa reporma na dapat gawin sa Bilibid.
Suhestyon pa ni Padilla, dapat magkaroon na rin ng Bilibid sa kada rehiyon sa bansa.