Connect with us

Sen. Robin Padilla, ipinagtanggol si FPRRD kaugnay sa isyu ng COVID fund transfer

Sen. Robin Padilla, ipinagtanggol si FPRRD kaugnay sa isyu ng COVID fund transfer

National News

Sen. Robin Padilla, ipinagtanggol si FPRRD kaugnay sa isyu ng COVID fund transfer

Para kay Senador Robin Padilla, walang nilabag na batas si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglilipat ng bilyong piso sa Procurement  Service ng Department of Budget and Management (DBM) para labanan ang sakit na COVID.

Base sa Section 4 ng Bayanihan Law hiwalay ang pagbili ng Personal Protective Equipment (PPE) mula sa Procurement Law at iba pang kaugnay na batas alinsunod sa Government Procurement Policy Board Resolution na may petsang Abril 6, 2020.

Sinabi ng Senador noong kasagsagan ng pandemya binigyan ng Emergency Powers si Pangulong Duterte para labanan ang epekto ng COVID 19.

Magugunitang noong nakaraang linggo sinabi ni dating Health Secretary Francisco Duque lll sa imbestigasyon ng kamara na pinalipat niya ang P47.6-B  sa PS-DBM para bumili ng covid supplies base sa utos ni dating Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Padilla, dapat walang batuhan ng putik sa isyung ito dahil tulad ng ibang pamahalaan kailangang gumastos noon upang malabanan ang pandemya.

Aniya, tulad ng ibang mga bansa naglabas din ng pera ang lahat pamahalaan kung saan ang iba ay nangutang pa para lamang mapagtagumpayan ang epekto ng pandemya.

More in National News

Latest News

To Top