Connect with us

Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong kalihim ng DepEd

Implementasyon ng anti-bullying policy, mas tututukan na- DepEd

National News

Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong kalihim ng DepEd

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Senador Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DEPED).

Si Angara ang papalit kay Vice President Sara Duterte na nag bitiw sa posisyon noong Hunyo 19, 2024.

Ginawa ang anunsyo sa ginanap na ika-17 Cabinet Meeting sa Palasyo ng Malakanyang nitong Martes, Hulyo 2.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), si Angara ay may malawak na ‘legislative history’, na nagtaguyod ng makabuluhang mga repormang pang-edukasyon mula nang siya’y maging senador noong 2013.

Kasama sa kanyang naunang ‘legislative work’ ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at ang Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12).

Malugod namang tinanggap ni Sen. Angara ang pagkakatalaga sakanya bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Aniya, nakatuon siya sa pakikipagtulungan sa lahat ng sektor ng lipunan, kabilang ang kanyang hinalinhan na si VP Sara Duterte, “I am committed to working with all sectors of society, including my predecessor, Vice President Sara Duterte.”

Tiniyak din ni Angara na ang bawat batang Pilipino ay may access sa de-kalidad na edukasyon.

Sisikapin din niyang lumikha ng mas magandang kinabukasan para sa bansa sa pamamagitan ng edukasyon.

Bumuhos naman ang suporta ng mga senador sa pagkakatalaga kay Angara bilang bagong DepEd secretary.

Sinabini Senator Juan Miguel Zubiri na naniniwala siyang higit pa sa kwalipikado ang senador na pamunuan ang isa sa pinakamahalagang ahensiya.

“I believe that he is more than qualified to head our most important agency, with the biggest share in the national budget no less,” ani zubiri.

Para naman kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, tiwala siyang magagampanan ni Angara nang mabuti ang bagong katungkulan nito, “Very qualified! Am sure he will do a good job as deped Secretary with his edcom background and familiarity with current issues.”

Sabi naman ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na tiyak na magiging instrumento si Angara sa pagtugon sa mga pangangailangan ng DepEd.

Binati rin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero si Angara at sinabing well-deserved ang senador sa appointment nito.

Kasabay nito, binigyang linaw ni Escudero ang mababakanteng posisyon ni Angara sa senado.

Sa kabilang banda, ipinahayag ng DepEd na tinatanggap nila si Sen. Angara sa kagawaran ng Edukasyon.

Inaasahan naman ng komunidad ng Education Department ang pakikipagtulungan sa bagong pamunuan sa pagpapatuloy ng walang humpay na pagsisikap tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng basic education sa bansa.

Una nang tiniyak ni VP Sara ang maayos na transition kasabay ng pagkumpirma ng kanyang resignation.

Aniya, nakalatag na ang 30-day transition plan.

Matatandaang nag pahayag ng pasasalamat ang kasalukuyang administrasyon kay VP Duterte sa kanyang natatanging serbisyo sa DepEd.

More in National News

Latest News

To Top