Connect with us

Sen. Sotto at Pangilinan, hindi naniniwala sa latest survey ng Pulse Asia

Hindi bilib sila Senate President Vicente Sotto III at Senator Francis Pangilinan sa mga lumabas na pangalan ng pulitiko na nangunguna para sa 2022 elections ng Pulse Asia Survey.

National News

Sen. Sotto at Pangilinan, hindi naniniwala sa latest survey ng Pulse Asia

Hindi bilib sila Senate President Vicente Sotto III at Senator Francis Pangilinan sa mga lumabas na pangalan ng pulitiko na nangunguna para sa 2022 elections ng Pulse Asia Survey.

Sa naturang latest survey ay sina Davao City Mayor Sara Duterte at President Rodrigo Duterte ang nanguguna sa mga kandidato para sa pagka-pangulo at pagka-bise-presidente.

Ang survey ay ginawa mula June 7 to 16, kung saan ay 28% ang gusto si Sara para sa pagkapresidente habang 18 percent ay si Pang. Duterte naman ang gusto nilang maging bise presidente.

Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, mababago pa ang sentimyento ng publiko habang papalapit ang darating na halalan.

Sinabi rin nito na mula pa raw taong 1992 ay may mga kandidato na lumalamang sa survey pero hindi naman nanalo sa aktwal na botohan

Sinabi naman ni Sen. Koko Pimentel, “Maaga pa. Mula pa nung 1992, halos lahat ng mga lumalamang sa umpisa sa mga survey sa nakaraang mga elections, hindi nananalo. So malaking posibilidad na magbabago pa ang sentimyento ng mamamayan.”

Para naman kay Senate President Sotto, dapat hindi pinagsama ang presidential at vice presidential categories sa survey.

Ayon kay Sotto, mas magiging accurate ang survey kung hindi nakasulat ang 15 pangalan ng mga pulitiko sa parehong kategorya.

Dahil dito mas mainam aniya na hintayin na lang ang survey na may opisyal ng kandidato para sa mga naturang posisyon.

Sa Pulse Asia Survey ay pumangatlo lamang si Sotto para sa pagkabise presidente.

“Let’s wait for the survey when all names are already candidates and not scrambled in both categories. Then it can be used as a guide and not just amusing,”saad ni Sotto.

 

 

More in National News

Latest News

To Top