Connect with us

Sen. Tulfo, hiniling sa NCRPO na magtalaga ng pulis sa MRT stations

Sen. Tulfo, hiniling sa NCRPO na magtalaga ng pulis sa MRT stations

National News

Sen. Tulfo, hiniling sa NCRPO na magtalaga ng pulis sa MRT stations

Umapela si Sen. Raffy Tulfo sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na magtalaga ng mga uniformed police personnel sa lahat ng istasyon ng Manila Metro Rail Transit (MRT).

Sa liham ng senador sa NCRPO, July 1, sinabi ni Tulfo sa kapulisan na dapat na maging bahagi ng kanilang responsibilidad ang pagsakay sa mga tren para mabilis at madali silang makaresponde sa anumang krimen o sakuna.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, binigyang-diin ni Tulfo na ang mga sasakay dapat na pulis ay well-trained sa pag-spot at pagsakote sa mga mandurukot at iba pang mga masasamang loob.

Ito ay para masiguro ang seguridad ng bawat pasahero.

Sa kanilang special training, iminungkahi ni Tulfo na maaaring magamit ng Philippine Ntional Police (PNP) ang kaalaman ng mga dating kriminal na kanilang na-aresto nang sa gayon ay mas maiging mapag-aralan ang mga modus ng mga kawatan bago, habang at pagkatapos gawin ang krimen.

Sa huli, sinabi nito sa kanyang liham na dapat ipakita sa mga istasyon ng MRT ang mga litrato ng mga nasakoteng indibidwal at sketch ng mga pinaghihinalaang nagsasagawa ng krimen para mabigyang babala ang publiko nang sila rin ay makapag-ingat at di mabiktima ng masasamang loob.

Para masiguro ang compliance sa kanyang mga iminungkahi, sinabi ni Tulfo na magpapatawag siyang muli ng pagdinig sa pagtatapos ng Senate recess ngayong Hulyo kung saan maiimbitahan ang mga kaukulang ahensya at mga opisyal.

More in National News

Latest News

To Top