Connect with us

Sen. Tulfo, isinusulong ang ‘no collection policy’ sa pampublikong eskwelahan

Sen. Tulfo, isinusulong ang ‘no collection policy’ sa pampublikong eskwelahan

National News

Sen. Tulfo, isinusulong ang ‘no collection policy’ sa pampublikong eskwelahan

Ipinanukala si Senator Raffy Tulfo ang batas na nagbabawal sa mandatoryong pagkolekta ng anumang bayad o kontribusyon mula sa mga estuyanteng nag-aaral sa pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan.

Sa inihaing Senate Bill (SB) No. 2420, iginiit ni Tulfo na ang mga nag-aaral sa pampublikong paaralan ay maaaring panghinaan ng loob na sa kanilang pag-aaral kapag nagpataw pa ng karagdagang bayarin sa paaralan.

Sa ilalim ng SB No. 2420, hindi maaaring kumolekta ng bayad mula sa mga mag-aaral na nag-eenrol sa pre-school hanggang Grade IV, sa enrollment period at buong school year.

Para sa mga lampas Grade IV na, walang anumang uri ng koleksyon ang dapat gawin sa panahon ng enrollment at unang buwan ng mga klase. Simula sa ikalawang buwan, ang mga kontribusyon para sa ilang membership lamang ang maaaring kolektahin, ngunit boluntaryo lamang at hindi dapat hilingin. Kabilang dito ang mga boy/girl scouts at red cross membership.

Ang panukalang batas ni Sen. Tulfo ay alinsunod sa pagkamit ng Education for All (EFA) Plan 2015 at ang Millennium Development Goals (MDGs), partikular na tungkol sa partisipasyon ng elementarya.

More in National News

Latest News

To Top