Connect with us

Sen. Villar, isinusulong ang pagpapalago ng livestock, poultry at dairy industry sa bansa

Sen. Villar, isinusulong ang pagpapalago ng livestock, poultry at dairy industry sa bansa

National News

Sen. Villar, isinusulong ang pagpapalago ng livestock, poultry at dairy industry sa bansa

Upang matiyak ang matatag na food security, isinusulong ngayon ni Senador Cynthia Villar ang pagpapaunlad sa industriya ng livestock, poultry at dairy.

Aniya, mula sa baboy at manok tinatayang nasa 29.8% ang protein consumption ng mga Pilipino.

Sinabi ni Senador Villar, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakakabangon ang hog industry mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF) kung kaya kailangan itong tulungan.

Sa poultry sector kailangan ang sustainable inputs gaya ng feeds, gamot laban sa mga peste at sakit para maging maayos ang sistema ng produksyon.

Habang sa milk production naman ay nangangailangan ng suporta upang matugunan ang local demand, lalo na sa milk feeding programs sa mga paaralan at iba pang institusyon na nangangalaga sa mga kabataan.

More in National News

Latest News

To Top