Connect with us

Senado, gagawing prayoridad ang imbestigasyon sa Batangas drug haul at ang kontrobersyal na ‘PDEA leaks’

Senado, gagawing prayoridad ang imbestigasyon sa Batangas drug haul at ang kontrobersyal na ‘PDEA leaks’

National News

Senado, gagawing prayoridad ang imbestigasyon sa Batangas drug haul at ang kontrobersyal na ‘PDEA leaks’

Gagawing prayoridad sa pagbabalik ng session ng Senado ang kontrobersyal na ‘PDEA leaks’, at ang malaking drug haul sa Batangas.

Ito ang tiniyak ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Aniya, isasagawa ng kanyang komite ang pagsusuri sa mga nag-leak na classified documents ng PDEA at ang update sa isa sa pinakamalaking nasabat na ilegal na droga sa Batangas kamakailan.

Matatandaan na umabot sa mahigit P13.3-B na halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas ngunit kalaunan ay naging P9.68-B nalang ito.

Bukod dito, prayoridad din ng Senado ang pagtalakay sa Senate Bill 2034 o ang mandatory ROTC bill na target maipasa bago ang susunod na State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

More in National News

Latest News

To Top