National News
Senado, mag-iinspeksyon sa KOJC Compound
Magsasagawa ng ocular inspection at public hearing sa Davao City ang Senate Committee on Justice and Human Rights araw ng Biyernes, Setyembre 6, 2024.
Ito ay kaugnay sa iligal na pagkubkob ng Philippine National Police (PNP) sa KOJC religious compound simula nang pumasok sila dito noong Agosto 24.
Pangungunahan ito ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Mababatid na minsan nang nakabisita at nasaksihan ng senador ang iligal na pagsalakay at pag-ukupa ng libo-libong pulis sa KOJC compound.