Connect with us

Senado, pagpapaliwanagin ang mga ahensyang hindi inubos ang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2

Pondo para sa COVID testing sa 2022, hindi kukulangin - Sen. Angara

National News

Senado, pagpapaliwanagin ang mga ahensyang hindi inubos ang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2

Pagpapaliwanagin ng Senado ang mga ahensyang hindi nasagad ang paggamit ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to recover as one Act o Bayanihan 2.

Ayon kay Senator Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, kinakailangan malaman nila ang rason kung bakit hindi nagamit lahat ang pondo gayong pantulong ito sa lubos na naapektuhan ng pandemya.

Kasunod ito sa ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na naibigay na ng Department of Budget and Management sa line agencies ang kabuoang budget sa ilalim ng Bayanihan 2.

Bilang tugon na rin ito sa mga batikos na may ₱18.4B na pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang ibinalik sa national treasury.

Matatandaang ₱165B naman ang inilaang budget para dito.

More in National News

Latest News

To Top