National News
Senado, pinanindigan na naaayon sa batas ang kanilang pagdinig sa prankisa ng ABS-CBN
Inumpisahan na ng Senado ang pagdinig sa prankisa ng ABS-CBN sa kabila ng pagtutol ng liderato ng kamara.
Sa kanyang paunang salita, inihayag ni Sen. Garce Poe, ang chair ng Senate Committee on Public Services na sumusunod pa rin sa konstitusyon ang kanilang pagdinig.
Ang pahayag ni Poe ay suportado nina Sen. Sonny Angara, Sen. Joel Villanueva, Majority Floor Leader Miguel Zubiri, at Minority Floor Leader Franklin Drilon.
Sa kabila nito ay kinuwestyon naman ni Sen. Francis Tolentino ang legalidad ng pagdinig.
Iginiit ng mambabatas ang Section 21 Article 6 ng Saligang Batas kung saan nakasaad na dapat magmula sa mababang kapulungan ng kongreso ang pag apruba ng prankisa.
Kinontra naman ni Drilon ang naging pahayag ni Tolentino.
Ayon sa batikang mambabatas, maaring umpisahan ng Senado ang pagdinig sa prangkisa ngunit kailangan lamang ipagpaliban ang paglalabas ng resulta hangga’t nakabinbin pa ang panukala o renewal nito sa kamara.