Connect with us

Senador na umano’y nakikialam sa DQ case ni BBM, tukoy na ni SP Sotto

Senador na umano’y nakikialam sa DQ case ni BBM, tukoy na ni SP Sotto

National News

Senador na umano’y nakikialam sa DQ case ni BBM, tukoy na ni SP Sotto

Tukoy na ni Senate President Tito Sotto III ang senador na umano’y nagmamanipula sa disqualification cases na inihain laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Kamakailan ng sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na maaring may isang senador na nasa likod ng naantalang pagpapalabas ng desisyon para sa kandidatura ni BBM.

Sakabila nito, tumanggi si Sotto na pangalanan ang senador na tinutukoy ni Guanzon.

Aniya mas mabuti na hayaan na lamang na si Comm. Guanzon ang magsabi o magbunyag nito sa publiko.

“No comment muna. Basta alam ko na. Hayaan mo na si Comm. ang magsabi.”

Kinumpirma naman ni Sotto na hindi si Sen. Imee Marcos, ang kapatid ni BBM ang tinutukoy ni Guanzon na nakikialam sa disqualification cases ni Bongbong Marcos.

Samantala, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, dapat na itong isiwalat ni Guanzon.

Sa panayam ng Sonshineradio, sinabi ni Gatchalian na nasisira ang buong institusyon ng Senado dahil dito.

Payo naman ni Gatchalian, kung meron man talagang nakikialam, dapat hindi impluwensiyan ang COMELEC sa nasabing usapin dahil may sarili silang kapangyarihan.

Dapat din aniya na naaayon sa tamang proseso at hawak na ebidensiya ng COMELEC ang mailalabas nilang desisyon sa DQ case ni BBM.

More in National News

Latest News

To Top