Connect with us

Senador na walang alam sa foreign policy, magtinda na lang ng taho – Prof. Carlos

SMNI Presidential Debate part 2, lilitaw kung sino ang hanggang laway lang ang plataporma – Pol. Analyst

National News

Senador na walang alam sa foreign policy, magtinda na lang ng taho – Prof. Carlos

Nanindigan ang kilalang political analyst at Foreign Policy Expert UP Professor Dr. Clarita Carlos sa kahalagahan ng pagbalangkas at pagtataguyod ng foreign policy para sa isang bansa gaya ng Pilipinas.

At para sa mga senador na siyang tagapaglikha ng batas, dapat aniya maalam ang mga ito sa nasabing larangan.

Kabilang dito ang pagpasok ng bansa sa ibat-ibang kasunduan at polisiya sa mga karatig at kaalyadong bansa.

Giit pa ni Carlos, dapat tiyakin ng mga kandidato oras na maluklok sa pwesto na hindi sila gagawa ng sariling desisyon na taliwas sa kagustuhan ng pangulo kung hindi naman aniya, nararapat na may maayos na pagkakasundo ang mga mga tagapagpagawa ng batas at tanggapan ng pinuno ng bansa, ang pangulo.

Sa huli, para sa mga kumakandidato ngayon sa mataas na kapulungan ng Kongreso at sa kanilang pagharap sa ikalawang yugto ng SMNI Senatorial Debates 2022, ito ang payo ng propesora.

Nauna nang nabanggit kahapon ni Carlos ang mungkahing paggamit ng nuclear weapons sa buong mundo na tinanggihan naman ng naunang batch senatorial aspirants.

Anila, mainam na umiwas ang bansa sa mga ganitong kasunduan upang maiwasan na madamay ang bansa sa posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Kung matatandaan, nauna na rin itong niratipikahan ng bansa ang tinaguriang Treaty on the Prohibition of Nuclear Weapons (TPNW) ng United Nations.

More in National News

Latest News

To Top