Connect with us

Senate lockdown, ipinag-utos matapos magpositibo sa COVID-19 ang 1 resource person

Senate lockdown, ipinag-utos matapos magpositibo sa COVID-19 ang 1 resource person

COVID-19 UPDATES

Senate lockdown, ipinag-utos matapos magpositibo sa COVID-19 ang 1 resource person

Ila-lockdown simula ngayong araw ang Senado para isailalim sa disinfection.

Ito ang inanunsyo ni Sen. Pres. Tito Sotto III matapos makumpirma na isa sa mga resource person sa pagdinig noong Marso 5 ng Committee on Basic Education, Arts and Culture ay positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kasunod ito ng pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian na mag-self quarantine matapos makasalamuha ang nasabing resource person.

Bukod kay Gatchalian ay nakasama din sa naturang pagdinig si Senadora Nancy Binay.

Pinabeberipika na rin ni Sotto ang kuha ng cctv kung sino-sino pa ang mga nakasama at nakausap ng naturang resource person sa loob ng plenaryo.

Dahil dito, nagpasya na rin ang ilang senador na ipagpaliban ang mga nakatakdang pagdinig.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top