Connect with us

Senior citizen na tinanggihang i-admit ng ospital, namatay

Senior citizen na tinanggihang i-admit ng ospital, namatay

COVID-19 UPDATES

Senior citizen na tinanggihang i-admit ng ospital, namatay

Magsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 6 na ospital na tumangging i-admit ang isang senior citizen na kalaunan ay namatay.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, mahigpit ang kaniyang utos sa NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa isyu na ikinamatay ni Ladislao Cabling, 65 taong gulang na taga-Cabanatuan, Nueva Ecija.

Sa salaysay ng mga kaanak ng biktima, hindi tinanggap ang pasyente sa mga ospital dahil sa kakulangan ng intensive care units (ICU).

Bukod dito, hindi rin isinailalim sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) test ang biktima pero mayroon itong asthma.

Una nang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ospital na tumatangging tumanggap ng mga pasyente na pananagutin ang mga ito sa pamamagitan ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ).

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top