Connect with us

Senior high student, huli sa pagbebenta ng iligal na droga sa Rizal

Senior high student, huli sa pagbebenta ng iligal na droga sa Rizal

Regional

Senior high student, huli sa pagbebenta ng iligal na droga sa Rizal

Arestado ang isang estudyante matapos ang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Ayon kay Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal PNP, kinilala ang suspek na si Kraven Blu Lompero, alyas Blu, isang Senior High School student at residente ng Cainta, Rizal.

Nakuha sa kanya ang 12 piraso ng transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may DDB value na 102,000 piso.

Gayundin ang isang motorsiklo, coin purse at buy-bust money.

Nakakulong na sa Cainta Custodial Facility na mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

More in Regional

Latest News

To Top