National News
Serbisyo ng Globe VOLTE, “available” na sa 25 probinsya ng bansa
“Activated” na ang voice over LTE o VOLTE service ng Globe sa 25 probinsya ng bansa.
Ginawa itong posible ng Globe para mas marami pang mga postpaid customers ang makikinabang sa serbisyo, at gumanda pa ang kanilang karanasan sa voice call.
Kabilang sa mga probinsya na nakinabang sa serbisyong ito ay Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Rizal, Tarlac at Zambales sa Luzon
Bukod pa rito, 100% available na rin ang VOLTE sa Aklan, Antique, Capiz, Cebu, Iloilo, Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor sa Visayas at sa Bukidnon, Davao del Norte, Davao del Sur, Guimaras, Misamis Oriental sa Mindanao.
Ayon kay Ernest Cu, Globe President at CEO, ang volte ay isang mainam na solusyon at teknolohiya na mas magpapaunlad pa sa mobile experience ng mga postpaid customers habang humaharap ang mga ito sa mga hamon dulot ng COVID-19 pandemic.
Ang VOLTE ay isang standard high-speed wireless communication para sa mobile phones gamit ang 4G LTE kaysa sa traditional voice networks na ginagamit ng 2G at 3G.
Ang VOLTE ay mayroong tatlong beses na kapasidad kaysa sa 3G at aabot sa 6 na beses kung ikukumpara sa 2G calls.
Bukod pa rito, nagbibigay ito sa customers ng mas mainam na call quality at mas maiksing set up time kung ikukumpara sa regular voice calls.
Pinananatiling konektado rin ng VOLTE ang mga customer sa LTE kahit habang tumatawag. Ang feature na ito ay kapaki-pakinabang sa mga tao na avid gamers o mga mahilig mag post o magstream ng video sa internet.
Ini-engganyo ng Globe ang mga customer sa 25 probinsya na ito na tingnan ang kanilang mga mobile phone kung ito ay VOLTE capable. Ayon sa Globe, dapat magbasa patungkol sa VOLTE-ready locations o alamin ang mga impormasyon tungkol sa VOLTE sapamamagitan ng online FAQS.
Napaka-positibo rin ang inisyal na mga reaksyon sa VOLTE at VOWIFI. Isang customer nila ang nagsabi na “Globe is always innovating. I like its VOLTE and other privileges. It is customer friendly.” Ayon naman sa isang customer, “My request to activate VOLTE was real time.”Ayon naman sa pangatlong customer, “Sana all areas ma-activate na ang Volte and VOWIFI calling.”
Ang agresibong pagpapatayo at pagpapalawig ng network ng Globe ang dahilan kung bakit naging posible sa mga customer na mas mapainam pa ang kanilang pagtawag, pag-text at pag-surf ng internet.
Ayon sa OOKLA, nasa 70% ang score ng Globe pagdating sa consistency sa buong bansa. Sa Metro Manila ang mayroong best score na 76% at sa ibang lugar gaya ng Rizal, Bulacan, Cavite, Cebu City at Davao City.
Ang consistency score ay sumusukat kung anong percentage sa katumbas o lampas pa ng pag-download at pag-upload ng threshold ng nasabing sample ng provider.
Samantala, ang inirehistro rin ng Globe ang mas pinaunlad na latency na may average na 33ms sa unang quarter na mas mababa pa sa 50ms na winning standard na itinakda ng mga manlalaro.
Bukod pa rito, sumusuporta ang Globe sa United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGS) patikular na ang UN SDG NO.9 na nagha-higlights sa papel ng imprastraktura at pagbabago bilang napakahalagang tagapag-maniubra ng paglago ng ekonomiya at pag-unlad.