Connect with us

Serbisyo ng telcos, mas napabuti matapos ang banta ni Pang. Duterte

Nagawang mapaganda ng telecommunication companies tulad ng Globe at Smart ang kanilang serbisyo matapos ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National News

Serbisyo ng telcos, mas napabuti matapos ang banta ni Pang. Duterte

Nagawang mapaganda ng telecommunication companies tulad ng Globe at Smart ang kanilang serbisyo matapos ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iniulat ni National Telecommunications Commission (NTC) Chief Gamaliel Cordoba sa isang pulong balitaan sa Malakanyang ngayong araw.

Aniya, “So far po, based on third-party audit at tsaka ‘yung pag-test sa kanila, gumanda naman po ang kanilang serbisyo. Nagkaroon naman po ng improvement.”

Kung matatandaang sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong Hulyo, nagbanta ito sa mga telco na ipasasara ang mga ito kapag hindi nito mapaganda ang kanilang serbisyo partikular ang internet connectivity.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, napapanahon ang paggiit sa mga telco na pag-ibayuhin ang kanilang serbisyo sa mamamayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ito’y dahil umaasa ang karamihan sa digital technology sa gitna ng work from home policy ng ilang ahensya at kumpanya.

Ani Cordoba, napakalaking bagay ang tulong ni Pangulong Duterte nang atasan ang mga LGU na agarang maglabas ng permits.

Dahil sa mga babala ng punong ehekutibo sa mga LGUs, umakyat ng 600 % ang issuance ng permit dahil sa political will ng presidente.

Mababatid na inimbitahan ng Malakayang sa pulong balitaan ang mga kinatawan ng telco players upang ihayag ang kanilang ulat pagkatapos ng pinakahuling SONA ni Pangulong Duterte.

Kasama rito sina Ernest Cu para Globe Telecom, Al Panlilio sa Smart Communications, Adel Tamano para sa Dito Telecommunity, at Jesus Romero sa Converge ICT Solutions.

Naging basehan naman ni Commissioner Cordoba sa pahayag na nag-improve na ang telcos service ay ang findings ng Ookla Speedtest Global Index at sa 100 million tests na isinagawa nila sa Pilipinas sa simula pa ng taong 2020.

Inilahad pa ng NTC chief, na as of November, isang buwan bago ang itinakdang deadline ni Pangulong Duterte para sa telcos, ang fixed download speed sa bansa ay nasa 28.69 Mbps, mas mataas kaysa 25.07 Mbps noong Hulyo.

 

More in National News

Latest News

To Top