National News
Sesyon ng Senado at Kamara, tuloy pa rin ngayong araw
Tuloy pa rin ang sesyon ng Senado at Kamara ngayong araw sa kabila ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kailangan dumalo ng mga senador sa unang araw ng pagbabalik-sesyon.
Aniya, ito ay mandato ng Konstitusyon na dapat sundin, delikado man o hindi ang sitwasyon dahil sa .
Tiniyak naman ni Sotto na masusunod ang lahat ng quarantine protocols sa Senado.
Ilan na dito ang pagsasailalim sa thermal scanner, pagpapatupad ng physical distancing na dalawang metro ang layo.
Samantala sa Kamara naman, 25 mambabatas lang ang papayagang makadalo sa sesyon habang ang iba ay sa pamamagitan na lamang ng video conferencing.
Bukod dito, mahigpit ding paiiralin ang “no-face-mask, no-entry policy,” at tanging may kumpirmadong transaksyon lamang ang papapasukin.