Showbiz
Seventeen, unang K-Pop group headliner sa Lollapalooza Berlin
Congrats sa Seventeen!
Ito’y dahil sila pa lang ang kauna-unahang K-Pop group na naging headliner sa Lollapalooza Berlin.
Nitong Setyembre 8, 2024 nang mag-perform ang grupo para sa naturang event.
Sinimulan ng grupo ang kanilang buong 90-minute performance ng mga kantang “Super” at “Don Quixote” habang isang extended rendition ng “Very Nice” naman sa pinakadulo.
Maliban sa Lollapalooza Berlin, nakapag-perform na rin sila sa Glastonbury 2024 noong Hunyo.