National News
Shabu sa Batangas, high grade – PBBM; pero ayon sa PDEA, di pa sila tapos sa quality test
Wala pang opisyal na pahayag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa kalidad ng droga na nasakote sa Batangas nitong Lunes, ika-15 ng Abril.
Taliwas ito sa unang inanunsiyo ni Pangulong Bongbong Marcos na isang high grade shabu ang nahuli ng mga awtoridad.
Ang malinaw pa sa ngayon ayon kay PDEA Deputy Director General for Operations Asec. Renato Gumban, may kakaibang packaging ang droga at kakaibang anyo ito kumpara sa mga nauna nilang huli.
Ani Gumban, tila isang swarovsky crystal ang anyo nito ngunit hindi pa nila lubusang matukoy ito dahil dadaan pa ito sa mga pagsusuri.
Matatandaang, personal na binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang lugar kung saan ginagawa noong ang imbentaryo sa nasabing droga at agad ring naiturn-over sa PDEA sa Quezon City.
