Connect with us

Short circuit, dahilan ng pag-usok ng isang bagon ng MRT-3

aberya

Metro News

Short circuit, dahilan ng pag-usok ng isang bagon ng MRT-3

Natukoy na ng pamunuan ng MRT-3 ang dahilan ng pag-usok ng isa nilang bagon kaya’t tumigil ito sa pagitan ng Cubao at Santolan Station sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Engr. Mike Capati, Director for operations ng DOTR-MRT3, nagkaroon ng short circuit ang traction motor ng tren matapos na magdikit ang contractor nito.

Paliwanag ni Capati, nangyayari ang ganitong uri ng sitwasyon dahil sa araw-araw na ginagamit ang tren pero tiniyak ng opisyal na nasa maayos na kondisyon ang mga bagon bago ito bumiyahe.

Sinabi ni Capati na naka-order na sila ng bagong traction motor na siyang piyesa na nagpapa-andar sa tren at iba pang major spare parts.

Inaasahan aniyang madedeliver ito sa loob ng dalawang buwan.

 

DZARNews

More in Metro News

Latest News

To Top