National News
Short message service na may number na “225-66345”, hindi scam – DOH
Nilinaw ng Department Of Health (DOH) na hindi isang scam ang short message service na may number na “225-66345”.
Ayon sa ahensya, para ito sa ikatlong non-communicable disease mobile phone survey.
Ang numerong “225-66345” ay konektado rin sa ahensya at anila ay dumaan sa maayos na implementation process.
Kaugnay ito ay hinikayat ng DOH na sumali ang lahat para sa kanilang malalimang pag-aaral sa non-communicable diseases sa bansa.
Taong 2018 nangyari ang 2 non-communicable disease mobile phone survey ng DOH.
