Connect with us

Sigalot sa WPS, nakaapekto sa pagbagsak ng foreign investments nitong Q1 ng 2024 −Ekonomista

Sigalot sa WPS, nakaapekto sa pagbagsak ng foreign investments nitong Q1 ng 2024 −Ekonomista

National News

Sigalot sa WPS, nakaapekto sa pagbagsak ng foreign investments nitong Q1 ng 2024 −Ekonomista

Asahan na ang pagbaba ng foreign investment realization.

Ito ang sinabi ng ekonomistang si Dr. Michael Batu kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan na bumaba ng 63.6%  ang total foreign investments nitong 1 quarter ng taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.

Sabi ni Batu, posible umanong tumumbas lang sa gastos ng pangulo at ng kanyang gabinete sa kanilang palagiang pagbibiyahe sa ibang bansa ang mari-realize na investment sa hinaharap.

“So ibig sabihin, kung ‘yung approved investment na iyan ay bumaba 63.6% that means yung realization niyan ay bababa rin at some point in the future. So ibig sabihin nito, is kung ini-expect natin na ‘yung magiging realized investment in the future ay bababa din. Parang — ginastos ng ating gobyerno sa mga pagbibiyahe. Whether or not itong mga paggagastos na ito would be equal or less that the benefits na makukuha natin pagna- realize na ang mga investment na ito.”

Mula nang maupo bilang pangulo si Marcos Jr. ay umabot na sa halos 20 ang international trips nito.

Samantala, sang-ayon naman si Batu na malaking factor ang sigalot sa West Philippine Sea (WPS) kaya’t bumaba ang foreign investment pledges.

“Alam naman natin na itong nag-iba na yung relasyon natin sa ating bansa w/ china. At ito’y nakakadagdag sa tinatawag geopolitical risk. Ang mga investor when they making investment decision kasama po geopolitical risk dun sa mga variables na tinitignan nila when they making decision. Sino ba namang investor ang gustong mag-invest sa isang lugar kung saan magkakaroon ng giyera in the future”

Base sa pinakahuling datos na ni-release ng PSA, nakakuha lang ng P148.43-B na foreign investment commitments ang bansa mula Enero – Marso nitong taon.

Malayo nga ang agwat nito sa P408.22-B foreign investment pledges na nakuha natin nitong nakaraang taon sa parehong mga buwan.

Sa ngayon, ang Singapore, The Netherlands at South Korea ang top 3 countries na nais mag-invest sa bansa.

Hindi naman kasama dito ang Estados Unidos na nagpahayag ng suporta sa Pilipinas na sasaklolo sakaling pumutok ang giyera sa WPS laban sa China.

Sa huli, sinabi ni Batu na uunlad ang isang bansa kung magkakaroon ng pagkakaisa sa investment, economic at foreign policy.

More in National News

Latest News

To Top