National News
Sikat na manunulat na si Severino Reyes, ginawan ng Google doodle
Kasalukuyang binibigyang pugay ang kilalang Filipino playwright na si Severino Reyes sa pamamagitan ng isang Google doodle.
Ito ay pag-alala sa kanyang ika-161 na anibersaryo ng kapanganakan at ang malaking ambag sa Philippine Literature.
Makikita sa makulay na doodle si Reyes at ang eksenang nagpapakita ng nakaupong “Lola Basyang” na nagkukuwento sa maliliit na bata.
Kung maalala, Lola Basyang ang pen name na ginamit ni Reyes para sa isang sikat na magazine noong araw na “Liwayway”.
Kilala rin ito bilang “Ama ng mga Dulang Tagalog” na nagsulat ng mga sarsuwela at drama.
Samantala, ang Google doodle ay isang espesyal at pansamantalang pagbabago ng logo sa mga homepage ng Google.
Nilalayon nitong gunitain ang mga pista, katagumpayan at mga makasaysayang kaganapan ng partikular na bansa.